Nagsisikap ang pamahalaan na makahanap ng non-traditional source ng fertilizers sa harap na rin ng pagtaas ng presyo ng abono partikular ang Urea Fertilizers.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang vlog kahapon.
Sinabi ng pangulo na mahirap talagang kontrolin ang pagtaas presyo ng fertilizer dahil tumataas din ang presyo ng langis at sumasabay rin sa pagtaas ang natural gas na nanggaling ammonia na nilalagay sa Urea Fertilizer.
Nag-usap na raw sila ng mga opisyales ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga fertilizers traders para kahit paano ay makontrol ang pagtaas ng presyo ng abono.
Nakikipagusap na rin daw ang gobyerno sa mga kaibigang bansa dahil kapag government to government ang naging bentahan ng fertilizers ay mas nakakamura ang gobyerno at mas murang maibebenta sa mga magsasaka.
Nag-isyu na rin daw ang Department of Budget and Management (DBM) ng e-voucher para magtulungan ang private sectors at gobyerno nang sa ganun makamura ang mga farmers sa binibiling abono para mayroong kinikita.