Nagdesisyon mismo si Professor Clarita Carlos na magbitiw bilang National Security Adviser.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panayam ng media sa loob ng eroplano patungo sa Davos Switzerland kagabi.
Paliwanag nang pangulo, nakikita ni Professor Carlos na may pagka-politika ang posisyong National Security adviser kaya nagdesisyon na itong magbitiw sa pwesto.
Sinabi pa ng pangulo, sanay si Professor Carlos sa academic profession kaya itutuloy nya ito, pero tinanggap nito ang posisyon sa Congressional Policy and Budget Research Department ng House of Representatives.
Ang posisyong ito ay tumutulong sa House of Representatives para sa technical service sa pagbuo ng national economic, fiscal at social policies.
Samantala, sa pagtatalaga naman kay dating DILG Secretary Eduardo Año palit sa posisyon ni Professor Carlos, sinabi ng pangulo na malawak na ang karanasan nito pagdating sa intelligence, naging commander aniya ito ng ISAFP o Intelligence Service Armed Forces of the Philippines.
Sanay na raw ito sa operatives intelligence ng AFP kaya angkop o sakto ang posisyon ni Secretary Año sa kanyang karanasan.