Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagtalaga ng panibagong Undersecretary and Assistant Secretary sa Office of the Press Secretary

Nanumpa na mismo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga bagong Undersecretary and Assistant Secretary ng Office of the Press Secretary (OPS).

Sa ulat ng OPS ang mga bagong itinalaga sa pwesto ay sina Cherbett Karen Maralit na itinalagang Undersecretary, habang si Francisco Rodriguez III ay itinalaga bilang Assistant Secretary.

Si Maralit ay dating chief-of-staff ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at ni Senate Pro-Tempore Loren Legarda.


Habang, si Rodriguez ay isang communications professional na may malawak na karanasan sa media at public relations.

Bago rito siya ay nagsilbing President Marcos’ traditional media team’s head writer noong May 2022 presidential elections.

Facebook Comments