Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga lugar na nakaranas nang malakas na pagyanig kahapon.
Pasado alas-8:00 ng umaga ng umalis ito sa palasyo ng Malacañang at unang tumungo sa Vigan bago dumiretso sa Abra.
Kasama nito sina:
• Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum
• Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo
• Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo
• Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos
• Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Jose Faustino.
• Speaker Martin Romualdez
• Senator Imee Marcos
• Abra Governor Dominic Valera
• Abra Vice Governor Bernos
• 17 mayor
Sa Abra, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang situation briefing kung saan iniulat kay Pangulong Marcos na 95% nang nakabalik ang kuryente sa buong Abra.
Full operation na rin ang komunikasyon ngayon sa Abra.
Sa kasalukuyan iniulat sa pangulo na may 28 houses ang totally damage at 2,362 ang partially damage.
May 312 na pamilya naman ang nawalan ng bahay ang nai-report sa pangulo na ngayon ay tumutuloy sa modular tent habang may 413 pamilya na apektado rin ang nakikituloy sa kanilang pamilya at kamag-anak.
Sa situation briefing, pinatitiyak ng pangulo ang patuloy na supply ng malinis na tubig.
Pinamamadali rin ng pangulo ang mabilis na pag-inspeksyon sa structural integrity ng mga bahay para makabalik agad ang mga nagsilikas na pamilya.
Natalakay rin ang patuloy na paghahatid ng food packs at pinag-usapan ang pamimigay ng financial assistance sa mga pamilyang matinding apektado ng pagyanig.