Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council sa Malacañang.
Batay sa ulat ng Office of the President, tinalakay sa pagpupulong ang mga plano upang mas magkaroon na mas maraming bakanteng trabaho sa bansa.
Nagrekomenda naman ang Private Sector Advisory Council sa pangulo na patatagin at bigyan pa ng ayuda ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), upang makapag-engganyo nang mas maraming investors at makabuo ng mga skill para mas magkaroon ng workforce longer-term competitiveness.
Samantala, nagsagawa naman ng courtesy call si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang kahapon.
Nagpasalamat si Pangulong Marcos sa pagbisita ng Chinese ambassador at sinabing umaasa syang magkakaroon ng mas magandang relasyon ang Pilipinas at China na magbebenepisyo sa bawat mamamayan ng dalawang bansa.
Ang China ay isa sa mga bansa sa Asya na patuloy na umaangkin sa ilang islang sakop ng West Philippines Sea.