Bumisita kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lamay nang nasawing household worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara sa Las Piñas City.
Sa kanyang pagbisita, nangako ito sa naulilang pamilya ni Ranara na magbibigay ng tulong mula sa pamahalaan.
Ito ay upang kahit patay na si Jullebee ay matupad pa rin ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Kaugnay nito, nakikipagusap na ang Philippine Government sa gobyerno ng Kuwait para sa isang bilateral meetings.
Ito ay upang muling mareview ang Bilateral Labor Agreement (BLA) para mas maprotektahan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito ay matapos mapatay mismo si Jullebee Ranara, 35 anyos ng anak nang kanyang employer.
Natagpuan ang bangkay nitong sunog na sa disyerto sa Kuwait isang Linggo na ang nakakalipas.
Kahapon ay isinailalim sa autopsy ang bangkay ni Ranara na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nanatili naman sa police custody ang 17 anyos na suspek.