Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naniniwalang kayang kontrolin ang COVID-19 sa bansa

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kayang makontrol ang virus na COVID-19.

Ayon sa pangulo, mangyayari ito sa pamamagitan ng pagpapa-booster shot na kung saan ay malaki ang magiging papel ng mga kaibigan at kamag-anak para mahikayat ang marami para magpaturok na ng booster shot.

Magandang kasanayan din dagdag ni Pangulong Marcos ang panatilihin ang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.


Hinikayat ng punong ehekutibo ang publiko na ituloy lang ang ganitong practices at magpabakuna nang sa gayon ay masabing tapos na ang Pilipinas sa pandemya at COVID-free na ito.

Pabiro ding inihayag ng pangulo na tila ayaw tayong tantanan ng COVID kaya’t mas maigi talagang magpabakuna bilang panigurado na may proteksyon sa marami pang variant.

Muli ring binanggit ng pangulo na hindi na magpapatupad ng lockdown ang gobyerno.

Facebook Comments