Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinako-convene ang Davao International Airport Authority Board

Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa Davao International Airport Authority Board na magpulong.

Ayon Kay Office of the Press Secretary Officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, partikular na inutusan nitong magpulong ay ang Davao Region’s Regional Development Council o RDC upang madaliin ang pagko- convene sa board ng Davao International Airport Authority.

Aniya, mahalaga ang ginagampanang papel ng Davao International Airport Authority Board para maipatupad ang iba’t ibang mga proyekto.


Maliban dito, ayon kay Usec. Garafil, gusto rin ng pangulo na magkaroon ng mga programa para matugunan ang iba’t- ibang isyu sa Davao.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng Metro Davao Development Authority o MDDA sa harap ng mabilis na urbanization na magdudulot ng Ilang hamon gaya ng traffic congestion, solid waste management, maging sa peace and security.

Facebook Comments