Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinariwa ang naging kabutihan ng mga Pilipino sa Hawaii sa kanilang pamilya

Binalikan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging kabutihan sa kanilang pamilya ng mga Pilipinong nasa Hawaii partikular nuong sila’y naruruon noong 1986.

Ang pagsariwa ay ginawa ng Punong Ehekutibo nang makaharap nito ang mga opisyales at miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, naging mabuti ang mga kababayan sa Hawaii sa panahon na sila’y nananatili doon matapos ang nangyaring Edsa People Power.


Naging pagkakataon din ang courtesy call ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii sa Malacañang kahapon para maibahagi naman ng pangulo ang inisyatibo ng kaniyang administrasyon sa post-pandemic growth momentum ng Pilipinas.

Ang FCCH ay ang pinakamalaking Filipino chambers sa Estados Unidos na sumusuporta sa Filipino entrepreneurs sa Hawaii sa pamamagitan ng pagho-host ng networking events at business training sessions.

Facebook Comments