Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapaigting ng samahan ng Pilipinas at Cambodia sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Kasabay na rin ito ng selebrasyon kahapon ng ika-65 anibersaryo ng diplomatiic relations ng dalawang bansa.
Sa mensahe ng pangulo kay Cambodian King Norodom Sihamoni, inihayag ni Pangulong Marcos Jr., ang kaniyang planong pagpapayabong pa sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Binigyang diin ng pangulo na naging matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Cambodia sa paglipas ng panahon.
Partikular na aniya sa mga usaping mayroong kinalaman sa politika, security, ekonomiya, socio-cultural, at edukasyon.
Kabilang na rin dito ang kooperasyon ng dalawang bansa, sa regional at international forum.
Kaugnay nito, nagpaabot rin ng good health wish ang pangulo sa hari ng Cambodia.
Samatalala, ngayong alas-9 ng umaga ay muling magsasagawa ng cabinet meeting sa Malacañang na pangungunahan ni Pangulong Marcos Jr.
Habang mamayang alas-2 naman ng hapon ay manunumpa sa pangulo ang mga bagong talagang opisyal ng gobyerno na gagawin sa presidential hall sa Malacañang.