Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umaasang darating ang panahon na wala nang mapipilitang Pinoy ang magtratrabaho sa ibang bansa para mabuhay

Target ng gobyerno na bawat Pilipino ay may kakayanang umunlad ang buhay kahit na manatili sa Pilipinas.

Sinabi ito ng pangulo sa kanyang mensahe kanina sa pakikipagkita nito sa Filipino Community sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa punong ehekutibo, alam niyang maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa Pilipinas kahit pa malayo sa kanilang pamilya.


Kaya naman ayon sa pangulo, siya at ang kanyang gabinete ay committed para masigurong bawat Pilipino ay maging economic, social at cultural potential kahit nasa Pilipinas.

Nang sa gano’n aniya ay makakamtan na ang kanyang pangarap na lahat ng Pilipino magtatrabaho sa abroad ang dahilan ay pinili nilang magtrabaho sa ibang bansa at hindi dahil walang choice o walang oportunidad sa Pilipinas.

Naniniwala ang Pangulo na mas dapat na mapaangat ang turismo, investment para mas magkaroon ng maraming trabaho para sa ekonomiya.

Facebook Comments