Pangulong Ferdinand Marcos Jr., unang lider ng ASEAN na magsasalita para sa 77th United Nations General Assembly sa New York

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang unang lider sa Association of Southeast Asian Nations na magsasalita sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) na gaganapin sa New York City sa Estados Unidos.

Batay sa ulat ng Palasyo ng Malacañang, nakatakdang magbigay ng talumpati ang pangulo sa UNGA sa September 20 ng alas-3:45 ng hapon, oras sa New York City.

Magiging sentro ng talumpati nito ay food security, rule of law at climate change.


Si Pangulong Marcos din ang unang Filipino lider na magsasalita sa UNGA simula noong 2014.

Matatandaang hindi dumalo ng personal sa UNGA si dating Pangulong Rodrigo Duterte pero nagbigay naman ito ng video message.

Nasa 109 na heads of state ang inaasahang dadalo sa UNGA.

Inaayos naman ng Department of Foreign Affairs ang posibleng bilateral meeting nina Pangulong Marcos at US President Joe Biden.

Samantala, nakatakda ring makipagkita ang pangulo sa Filipino community sa New Jersey sa September 18 ng alas-5:00 ng hapon, oras sa New York City.

Facebook Comments