Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bumisita sa liderato ng Iglesia ni Cristo

Personal na nakipagkita si pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) na si brother Eduardo Manalo sa INC Central Office sa Quezon City kahapon.

Kasama ng pangulo ang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos nang bumisita.

Sa pagbisita nagpasalamat ang pangulo sa INC sa suporta nito sa nagdaang eleksyon 2022.


Tiwala si Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan ng Iglesia ni Cristo ang mga programa ng gobyerno katulad ng patuloy na pagtugon sa COVID-19 pandemic, naka-ambang krisis sa pagkain at iba pa.

Sinamantala rin ng pangulo ang pagkakataong ito para ipaabot ang kaniyang pagbati sa ika-108 anibersaryo ng INC sa buong mundo sa darating na July 27, 2022.

Nagtagal ng halos 1 oras ang pakikipagkita ni Pangulong Marcos kay Eduardo Manalo.

Facebook Comments