Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Health (DOH) para alamin ang estado ng monkeypox o mpox sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nilinaw ni Health Secretary Ted Herbosa sa pangulo na hindi naman epidemya ang mpox gaya ng COVID-19.
Sinabi rin ni Herbosa na hindi gaanong nakakahawa ang naturang sakit.
Sa katunayan mula noong nakaraang taon, ay nasa sampung kaso pa lang ng mpox ang kanilang naitala, at lahat ng ito ay gumaling na.
Naglatag na rin ng plano ang DOH kay Pangulong Marcos kung papaano matulungan ang publiko na makaiwas sa mpox.
Una nang sinabi ng DOH na naipapasa ang mpox sa pamamagitan ng close at intimate contact.
Facebook Comments