Makikipagkita ngayong araw si Permanent Court of Arbitration Secretary General Dr. Marcin Czepelak (mar-chin che-pe-lak) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Alas diyes nang umaga inaasahang magsisimula ang pulong ni Czepelak sa Pangulo sa Malacañang.
Ang PCA ay naka-base sa the Hague Netherlands na naglabas ng 2016 arbitral ruling kung saan idineklarang pag-aari ng Pilipinas ang mga teritoryong inaangkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Hindi naman sinabi ng Palasyo kung ano ang magiging agenda ng pulong ng dalawang lider.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang panghaharass ng China sa mga tropa ng pamahalaan sa West Philippine Sea.
Ayon sa National Maritime Council, pinanghahawakan ng Pilipinas ang United Convention on the Law of the Sea at ang 2016 arbitral ruling na nagsasaad na pag-aari ng Pilipinas ang 200 nautical miles na exclusive economic zone (EEZ) ng karagatan.
Bukod sa pangulo, sasalubong din sa PCA official sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, at iba pang miyembro ng gabinete at opisyal.