Makalipas ang tatlong buwan, muling lalabas ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa 44th and 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa Lao People’s Democratic Republic.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for ASEAN Affairs Daniel Espiritu, aalis ang pangulo sa bansa sa October 8, araw ng Martes, at mananatili sa Lao hanggang October 11.
Makakasama ng pangulo sa summit ang iba’t ibang ASEAN leaders at external partners.
Inaasahang tatalakayin ng pangulo at ng ASEAN heads of state ang regional, international, at geopolitical issues na nakaa-apekto sa rehiyon, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar, Gaza, Ukraine, at Korean Peninsula.
Pag-uusapan din ang pagsusulong ng renewable energy at zero emission.
Sa kaniyang tatlong araw na trip, makikipagkita rin ang pangulo sa ASEAN parliamentary members, ASEAN business leaders, at sa 400 na Filipino community sa Lao.