Magiging panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa huling araw ng Local Governance Summit 2024 ngayong Biyernes.
Alas-9:00 nang umaga inaasahang darating ang pangulo sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.
Kahapon, umabot sa 3,000 local executives ang dumalo sa summit sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ilan sa mga tinutukan sa session ay ang digital transformation; smart urban infrastructure, at design, climate at disaster resiliency.
Tinalakay din ang social protection, peace and order, transparency and accountability, at people’s participation.
Target ng mga delegado na magtulungan ay magkaroon ng network ang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapalitan ng kaalaman alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos.