Pangulong Marcos, hindi nagbabago ang pakikitungo kay VP Sara sa gitna ng mga tirada ng pamilya Duterte; UniTeam, buo pa rin ayon sa pangulo

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang pagbabago sa kaniyang pakikitungo kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng mga tirada ng pamilya Duterte sa kaniyang pamilya at administrasyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala naman daw aniyang sinabi si VP Sara laban sa kanya kung kaya’t hindi siya nagbabago sa bise presidente.

Mananatili rin daw aniyang parte ng kaniyang gabinete si VP Sara bilang Education secretary.


Sa kabila rin ng alitan sa pagitan ng kanilang mga kampo, iginiit ni Pangulong Marcos na mayroon pa ring UniTeam.

Ang UniTeam aniya ay hindi lang iisa kundi binubuo dalawa hanggang tatlong partido na naglalayong pagkaisahin ang mga political parties sa bansa.

Facebook Comments