Biglaang kinansela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang isang pampanguluhang aktibidad nito ngayong hapon sa Pasay City.
Base sa official schedule ng pangulo ngayong Biyernes, panauhing pandangal sana si Pangulong Marcos sa Philippine International Dive Expo kaninang 2:30 ng hapon, subalit hindi ito sumipot.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, mayroong “urgent” aniya na dapat unahin si Pangulong Marcos kung kaya’t hindi na ito nakadalo.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Garafil patungkol sa “urgent” na schedule ng pangulo.
Gayunpaman, nagawa namang makadalo ng pangulo sa kaniyang unang aktibidad sa National Museum of Fine Arts kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos para sa ika-50 anibersaryo ng Philippines Design.