Pangulong Marcos, hinimok ang Czech Republic na tulungan ang Pilipinas sa modernisasyon ng AFP sa gitna ng tensyon sa WPS

Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na masasama sa defense cooperation ng Pilipinas at Czech Republic ang pagtulong ng bansa sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ito lalo’t sunod-sunod ang pangbu-bully ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Welcome aniya sa Pilipinas ang efforts ng Czech Republic na suportahan ang AFP modernization program bilang bahagi ng technology transfer ng bansa at defense investment initiatives.


Gayundin ang pagsusuplay ng defense capability requirement sa Pilipinas sa hinaharap.

Samantala, sinabi ni President Petr Pavel na bukas naman daw ang Czech Republic sa nasabing ideya.

Ayon kay Pavel, marami silang pwedeng i-alok sa Pilipinas partikular sa aviation at land equipment.

Handa rin aniya silang sumuporta maging sa issue ng South China Sea.

Facebook Comments