Pangulong Marcos, ikinagalak ang pagbaba ng unemployment at underemployment rates sa bansa

Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang resulta ng May 2023 Labor Force Survey na nagpapakita ng pagbaba ng unemployment at underemployment rates sa bansa.

Ayon sa pangulo, pangunahing prayoridad ng kaniyang administrasyon ang mahanapan ng trabaho ang mamamayan.

“…lahat naman ng ating ginagawa sa ekonomiya ay para mabigyan hindi lamang ‘yung underemployed na klase na trabaho kundi ‘yung magandang trabaho na may future, may benefits… Kaya’t nakakatuwa naman dahan-dahan ay umaakyat ‘yung numero ng employed dito sa Pilipinas,” sinabi ng pangulo.


Sinabi ng pangulo na kailangang magpatuloy ang economic activity para magpatuloy din ang paglikha ng mga trabaho.

Una nang sinabi ni Socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na napababa ng Marcos administration ang underemployment at unemployment rates sa second quarter ng taong 2023 dahil sa economic strategies at mga polisiyang ipinatupad upang makahikayat ng mas maraming local at foreign investments sa bansa.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate sa bansa ay 4.3 percent noong May 2023 mula sa 6.0 percent sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Tiniyak ni Balisacan sa publiko na ipagpapatuloy ng Marcos administration ang pagpapatupad ng mga game-changing reforms para mas mapagbuti pa ang business investment climate sa bansa.

“We welcome partnerships with the private sector, including international organizations, to ensure that our government services, particularly with respect to employment facilitation, upskilling or retooling, and promoting workers’ protection, are on the same level with global best practices,” ayon kay Balisacan.

Facebook Comments