Inimbitahan ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bumisita sa bansang India.
Ayon kay Jaishankar, hinihintay na ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang pangulo para sa isang state visit.
Dagdag pa ng opisyal na magandang isabay ang pag-bisita ng pangulo sa ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Samantala, welcome naman kay Pangulong Marcos ang imbitasyon pero sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo hinggil sa naturang state visit.
Facebook Comments