Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga lider ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na bigyang halaga at seryosohin ang kanilang papel sa lipunan.
Sa oath-taking ceremony para sa 31 bagong halal na opisyal ng Liga ng mga Barangay (LnB) at SK National representatives, iniutos ng pangulo na dapat makinig ang kanilang hanay sa mga saloobin at hinaing ng mga residente sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga nasa pinakamababang antas ng pamahalaan upang mapabuti ang pagpapaabot ng mga programa mula sa national government.
Wala aniyang mas eksperto sa komunidad kundi ang leader nito dahil sila ang first responders sa oras ng emergency at ang nasa forefront ng pagsisikap na bumuo ng matatag na lipunan.
Tiniyak din ng pangulo na patuloy ang kaniyang administrasyon sa pakikinig upang mapabuti pa ang mga programa para sa mga mamamayan.