Pangulong Marcos, ipinag-utos ang pagbuwag sa One-Stop-Shop Center ng Department of Finance

Pinabubuwag na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang One-Stop-Shop Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center (OSS Center) ng Department of Finance.

Sa Administrative Order No. 4 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay nakasaad na ang trabaho ng pagproseso at pag-issue ng tax clearance certificates at duty drawbacks ay malilipat na sa Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Nakasaad din sa kautusan na lahat ng assets at liabilities ng OSS Center ay ililipat sa DOF alinsunod sa auditing laws, rules and regulations.


Ang deriktiba ng pangulo ay sang-ayon sa rekomendasyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno matapos mabatid na ilang OSS Center officials at employees ay nakagawa ng serye ng tax credit scams na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso sa loob ng ilang taon.

Ang nabanggit na hakbang din ay umaayon sa rightsizing policy ng Marcos administration.

Facebook Comments