Sumentro sa peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating prime minister ng United Kingdom na si Anthony Charles Lynton Blair.
Ginawa nina Pangulong Marcos at Blair ang pagpupulong sa sideline ng 77th United Nations General Assembly sa New York.
Tiwala ang pangulo na makakamit ang kapayapaan sa BARMM sa tulong na rin ni Blair na tumatayong executive chairman ngayon ng Tony Blair Institute for Global Change.
Maliban sa peace process, napag-usapan din nina Pangulong Marcos at Blair ang usapin sa food security, climate action at trade.
Bukod kay Blair, mayroon pang nakatakdang pagpupulong ang pangulo sa iba pang lider ng bansa.
Nasa ikaapat sa anim na araw na working visit ang pangulo sa Amerika.