Inaprubahan na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang pagkakaroon ng National Security Policy 2023-2028.
Sa inilabas ng Executive Order ng palasyo na nilagdaan ng pangulo, nakasaad na ang naturang polisiya ang magbibigay ng isang komprehensibong pagtugon sa mga hamon sa pambansang seguridad.
Layon din ng polisiya na palakasin ang pambansang seguridad at maging panuntunan ng pamahalaan sa pagkamit ng strategic policy goals and objectives ng administrasyon upang maprotektahan ang interes ng bansa.
Kasama rin sa NSP ang pagtutok sa non-traditional security threats tulad ng food security, climate change, cybersecurity, at iba pa.
Facebook Comments