Pangulong Marcos Jr., nagdeklara ng sampung araw na National Mourning matapos ang pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Ramos

Ideneklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang National Mourning matapos ang pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kahapon.

Batay sa official statement ng Office of the President, sampung araw ang National Mourning na nagsimula kahapon na magtatagal hanggang August 9.

Kaugnay rin nito, inilagay na sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa mga gusali bilang pagpapahayag ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng dating pangulo.


Ito ay batay sa Chapter 1 ng Republic Act No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines na ginagawa senyales ng pagdadalamhati.

Kaninang umaga una nang inilagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Palasyo ng Malakanyang.

Facebook Comments