Pangulong Marcos Jr., nagulat at nalungkot sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Manila University

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi titigil ang law enforcement agencies sa pagsasagawa nang mas malalim na imbestigasyon para mapanagot ang mga pumatay at mga nag-utos sa mga suspek para gawin ang krimen.

Ito ay kasunod ang pagkakapatay ng tatlong indibidwal matapos na pagbabarilin sa isinagawang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School kahapon sa Ateneo de Manila University.

Sinabi ng pangulo sa kanyang official Facebook page na siya ay nagulat at nalungkot sa pangyayari sa Ateneo kanina.


Nagpapaabot aniya siya ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi.

Habang ipinagdasal din ng pangulo ang mga graduates, kanilang mga pamilya, Ateneo Community at sa mga residente ng Quezon City at Basilan.

Facebook Comments