Pangulong Marcos Jr., nainip sa pagsasailalim sa quarantine period

Naiinip na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsailalim sa quarantine period makaraang magpositibo sa COVID-19 noong Biyernes, July 8.

Sa isang pahayag sinabi ni Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na nakausap niya ang kaniyang ama kung saan ipinaalam nito na ayos naman ang kaniyang kalagayan.

Sinabi ng kongresista na bagamat nangangamba siya na muling tinamaan ng COVID-19 ang kaniyang ama, nagpapasalamat siya na nawawala na ang mga sintomas na nararanasan ng pangulo.


Matatandaan na una nang sinabi ni Dr. Samuel Zacate, lead physician ng pangulo na sa kabila ng nakararanas pa ng pangangati at baradong ilong ang pangulo ay wala na itong ubo.

Nasa normal limits na aniya ang vital signs ng pangulo at wala na ring nararanasang ano pa mang ibang sintomas ng COVID-19 at inaasahan na ang mabilis at ganap na paggaling ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments