Pangulong Marcos Jr., pinanumpa sa pwesto ang bagong miyembro ng BTA parliament

Nanumpa na nga sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang 80 mga bagong talagang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) parliament sa Malakanyang.

Magsisilbing interim chief minister si Ahod Balawag Ebrahim.

Kabilang din sa mga pinanumpa ng pangulo si dating Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohagher Mohammad Iqbal, na nagsilbi ring Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel chair, dating Congressman Pangalian Macaorao Balindong, at Sulu Governor Benjamin Tupay Loong.


Kasama rin sa nanumpa bilang miyembro ng BTA parliament ang anak ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na si Nurredha Ibrahim Misuari.

Ang karamihan sa mga bumubuo sa BTA ay MILF na mayroong 41 nominees habang 39 naman mula sa gobyerno.

Tungkulin ng BTA na tugunan ang iba’t ibang hamon sa Bangsamoro region kabilang ang peace and security concerns, kahirapan, paglikha ng negosyo at trabaho at pagiging matatag sa pagitan ng mga katutubong angkan at nasa economic classes.

Facebook Comments