Pangulong Marcos, kinondena ang pag-atake ng ISIS sa Russia

Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-atake ng terrorist group Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Crocus City Hall concert venue sa Moscow, Russia noong Biyernes, March 22.

Sinasabing nakasuot ng camouflage ang mga miyembro ng ISIS na nagsagawa ng pamamaril.

Batay sa huling ulat, nasa higit 100 katao ang nasawi, habang nasa 200 naman ang sugatan.


Ayon kay Pangulong Marcos, nakakalungkot aniya ang ganitong pangyayari na dulot ng saysay na terorismo.

Nagpaabot din ang pangulo ng kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng biktima ng ng pag-atake ng ISIS.

Samantala, iniulat naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nasawi o sugatan sa naturang pag-atake.

Facebook Comments