Pangulong Marcos, kinondena ang tangkang pagpatay kay dating US President Donald Trump

Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tangkang pagpatay kay dating US President Donald Trump sa isang presidential campaign sa Pennsylvania.

Sa kanyang X account, nagpahayag ng pagkabahala ang pangulo sa tangkang assasination sa dating US President.

Ayon kay PBBM, naibsan ang kanyang pag-aalala nang malamang maayos naman ang kalagayan ni Trump.


Kaisa aniya si Pangulong Marcos sa pagkondena sa pag-atake sa republican presidential candidate at sa lahat nang uri ng karahasang may kinalaman sa pulitika.

Mahalaga rin aniya na laging nangingibabaw ang boses ng taumbayan.

Facebook Comments