Pangulong Marcos, magsasagawa ng situational briefing ngayong umaga kaugnay sa Bagyong Kristine

Kanselado na ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng Bagyong Kristine.

Tatlong aktibidad sana ang naka-schedule na pupuntahan ni Pangulong Marcos ngayong araw.

Pero ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Sec. Cesar Chavez, ipagpapaliban muna ito para sa isasagawang situational briefing ng Pangulo ngayong umaga sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa nagpapatuloy na pananalasa ng bagyo.


Ito’y para matukoy ng pamahalaan ang angkop na tulong na dapat ibigay sa mga apektado.

Inaahasang magbibigay ng mga direktiba ang Pangulo sa mga kaukulang ahensya na agad na maghatid ng tulong at humingi ng update tungkol sa sitwasyon.

Facebook Comments