Nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sitwasyon at epekto na posibleng idulot Bagyong Julian sa Northern Luzon.
Sa talumpati nito sa pamamahagi ng Certificate of Condonation (COC) sa Paniqui, Tarlac, tiniyak ng pangulo na bukod sa Hilagang Luzon ay handa rin ang gobyerno sa posibleng epektong idulot ng bagyo sa Ilocos Region.
Nakamonitor din aniya sila ngayon sa hagupit ng bagyo sa Batanes at northern portion ng Babuyan Islands.
Nakapreposition na aniya ang tulong mula sa pamahalaan at agad na ipamamahagi sa mangangailangan.
Facebook Comments