Pangulong Marcos, makikipagpulong sa Defense Minister ng Germany ngayong araw

Magpupulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang German Federal Defence Minister na si Boris Pistorius.

Alas-9:00 nang umaga ang inaasahang pagdating ng ministo sa Malacañang.

Bago maging Defense Department ng Germany, si Pistorius ay naging Interior Minister muna mula 2013 hanggang 2022.


Itinalaga siya bilang Federal Defense Minister ng Germany noong January 2023, na siyang nangunguna sa mga hakbangin para sa modernisasyon ng German armed forces.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpulong din sa Malacañang sina Pangulong Marcos, US Defense Secretary Llyod Austin, at si US Secretary of State Anthony Blinken.

Facebook Comments