Pangulong Marcos, nagbigay ng ₱150-M sa Veterans Memorial Medical Center kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, nag-donate si Pangulong Bongbong Marcos ng ₱150 milyon sa Renal Dialysis Center ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ito ay para sa procurement o pagbili ng Magnetic Resonance Imaging o MRI Machine, matapos masira ang nag-iisang MRI ng nasabing ospital noong nakalipas na taon.

Ang dialysis center ng VMMC ay nagseserbisyo sa higit 200 pasyente ng mga World War 2 veterans, retiradong military personnel kasama ang kanilang mga dependents at nagbibigay rin ng libreng serbisyo at gamot.


Target din ng ospital na palawakin pa ang kanilang serbisyo para mas maraming ma-accommodate na hemodialysis patients.

Gayundin ang pagtatayo ng kidney transplantation center sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

Facebook Comments