Nagdeklara ng special non-working day ang Palasyo ng Malacañang sa limang lokalidad sa bansa.
Sa ilalim ng proclamation No. 693, walang pasok ang Infanta, Pangasinan sa October 4 para sa kanilang 148th founding anniversary.
Batay naman sa Proclamation 694, special non-working day sa Lapuyan, Zamboanga del Sur sa darating na October 16 para sa kanilang 67th founding anniversary habang wala ring pasok sa Negros Oriental sa October 25 dahil sa Buglasan festival.
October 26 naman ang special non-working day sa Angeles city para sa kanilang Tigtigan Terakan keng dalan festival, na bahagi ng komemorasyon ng syudad sa kanilang recovery mula sa pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991.
Habang binibigyang pagkakataon din ang mga residente ng Dingle Iloilo na makilahok sa komemorasyon ng Cry of Lincud, o ang unang deklarasyon ng rebolusyon laban sa mga Espanyol, kaya wala ring pasok sa naturang lugar sa October 28.