Pangulong Marcos, nagpaabot ng pagbati sa two-time olympic gold medalist na si Carlos Yulo

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos para sa back-to-back Paris olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ayon sa Pangulo, wala umanong salitang makakapagsabi kung gaano niya ipinagmamalaki si Yulo.

Nagkaisa aniya ang lahat ng Pilipino sa mundo para sa pagsuporta sa Pinoy gymnast.


Maliban sa Pangulo, binati at ipinagmalaki rin ni First Lady Liza Araneta Marcos si Yulo sa kaniyang social media post.

Nasungkit ni Yulo ang dalawang gintong medalya para sa Men’s Floor Exercise at Men’s Vault Event sa Paris 2024 Olympics.

Facebook Comments