Pangulong Marcos, nagtalaga na ng bagong TESDA director at Philippine Sports Commission Commissioner

98

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director at Philippine Sports Commission Commissioner.

Batay sa ipinadalang statement ni Atty. Angeles, si Danilo Cruz ang itinalagang bagong TESDA Director.

Si Cruz ay dati nang nagserbisyo bilang undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng Arroyo administration.


Habang itinalaga naman ng pangulo si Olivia Garcia “Bong” Coo bilang bagong Commissioner of the Philippine Sports Commission.

Si Bong Coo ay kilala bilang Filipino bowling icon, 4-time world champion, at nagkamit ng record na five gold medals sa Asian games.

Siya rin ang kauna- unahang atletang Pilipino na naitala sa Guinness Book of World Records.



Facebook Comments