Pangulong Marcos, naka-bantay sa pinakahuling galaw ng Super Typhoon Mawar

Nakatutok mismo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa inaasahang pagpasok ng Super Typhoon Mawar sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o bukas ng umaga.

Sa maikling mensahe, tiniyak ng pangulo na pinaghahandaan rin ng pamahalaan ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, maging sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.

Ayon sa pangulo may posibilidad na hilahin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng matinding pag-ulan at magreresulta sa pagbaha sa ilang bahagi ng bansa sa Luzon hanggang Visayas.


Ayon sa pangulo, nag pulong sila kahapon kasama sina Defense Secretary Carlito Galvez Jr.

Tiniyak aniya ng kalihim na naka-preposisyon na ang food packs at kakailanganing pondo para sa magiging epekto ng bagyo.

Naka-stand by na rin ang response teams ng pamahalaan, at handa ang mga LGU sa mga lugar na maaapektuhan nito.

Facebook Comments