Pangulong Marcos, nakaalis na ng bansa para sa kaniyang limang araw na Europe visit

Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang working visit sa Germany at Czech Republic.

Bandang alas-3:30 ng hapon nang lumipad ang PR001 na sinasakyan ng pangulo sa Villamor airbase.

Kasama ng pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos at Philippine delegation.


Mananatili si Pangulong Marcos sa Berlin hanggang March 13 bago magtungo sa Prague sa March 13-15.

Makikipagpulong si Pangulong Marcos kay German Chancellor Olaf Scholz sa Berlin.

Habang pagdating naman sa Czech Republic, makikipagpulong ang pangulo sa apat na head of state na sina President Petr Pavel, Prime Minister Petr Fiala, Senate President Miloš Vystrčil, at Chamber of Deputies President Markéta Pekarová Adamová.

Samantala, sa departure speech ni Pangulong Marcos, agad nitong binati si Vice President Sara Duterte na ngayon niya lamang aniya nakitang muli.

Pero bago nito, kinamayan naman ni VP Sara ang umano’y political rival niyang si Speaker Martin Romualdez bago ang talumpati ng pangulo.

Gayunpaman, kapansin-pansin na hindi pa rin nagkikibuan sina First Lady Liza Araneta-Marcos at VP Sara hanggang sa maihatid ang pangulo at First Lady sa PR001.

Facebook Comments