Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kauna-unahang trilateral summit ng Pilipinas, US at Japan.
Bandang alas-3:00 ng hapon nang lumipad ang eroplanong sinasakyan ng pangulo patungong Washington DC.
Sa departure speech ni Pangulong Marcos, sinabi nitong ang pinakalayunin ng kaniyang partisipasyon sa summit ay isulong ang economic resiliency ng Pilipinas.
Tatalakayin din ang mga aksyon laban sa climate change, kung saan isusulong ang paggamit ng clean at green energy, gayundin ang critical infrastructure, semi-conductors, digitalization, cybersecurity, reneweable energy at maritime coorperation.
Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na bagama’t pag-uusapan ang seguridad at depensa na tungkol sa ekonomiya ang pinakalayunin ng summit.
May bukod namang pagpupulong sina Pangulong Marcos at US President Joe Biden habang may nakalinya ring business meetings ang pangulo sa Washington DC.
Samantala, tatlo naman ang magiging caretaker ng bansa habang nasa US ang pangulo.
Ito ay sina Vice President Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin, at si DAR Sec. Conrado Estrella.