Ilang araw bago ang pag-upo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) ay sinisimulan na nitong alamin ang gagawing pagtulong sa mga magsasaka.
Sa katunayan, ito ang isa sa mga naging sentro ng ginawang pagpupulong kahapon ng pangulo sa hanay ng Private Advisory Council sa Malacañang.
Batay sa Facebook post ng Pangulong Marcos, sinabi nitong excited siyang makabuo ng mga programang makakatulong sa mga magsasaka katulong ang mga pribadong sektor.
Aniya, marami siyang narinig na mga bagong ideya mula sa Private Advisory Council na magpapataas sa antas ng sektor ng Agrikultura.
Nagpasalamat naman ang Pangulong Marcos sa kanyang mga nakapulong dahil ibinahagi ng mga ito ang kanilang mga ideya sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na mapaangat ang agriculture sector.