Pangulong Marcos, nanawagan sa Kongreso na huwag nang baguhin ang panukalang budget sa 2025; Disaster resilience, tututukan sa pambansang pondo

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na wala na sanang mabago pa sa binalangkas na panukalang national budget para sa 2025.

Ayon kay Pangulong Marcos, kung maaari ay maipatupad sana ang 2025 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) noong Lunes para sa magandang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan sa susunod na taon.

Nabatid na nasa 6.35 trillion pesos ang nakapaloob sa proposed budget para sa 2025, na mas mataas ng 10.1% sa 5.768 trillion pesos ngayong 2024.


Ayon kay PBBM, kabilang ang disaster resilience sa tututukan ng national budget para matiyak na magiging matatag sa anumang kalamidad ang bansa.

Ilan din aniya sa tututukan ay ang healthcare, education, trabaho, agrikultura, industry at services.

Facebook Comments