Pangulong Marcos, nilinaw ang dahilan ng pagbisita ng mga anak ni Kris Aquino kay FL Liza Marcos

Courtesy: First Lady Liza Marcos

Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging dahilan ng pagbisita ng mga anak ni Kris Aquino ay First Lady Liza Araneta Marcos.

Sa ambush interview sa Rizal, sinabi ng pangulo na tinulungan ng First Lady si Kris sa isang travel arrangement matapos nitong humingi ng tulong.

Ito aniya ang dahilan kung bakit personal na nagpasalamat at nagdala ng pasalubong sina Josh at Bimby sa opisina ng Unang Ginang.


Isang human interaction lamang daw ito sa pagitan ng mga pamilya dahil hindi aniya batid ng marami na magkamag anak ang First Lady at si Kris Aquino.

Paliwanag ng pangulo, tita ni First Lady Liza ang asawa ng nakatatandang kapatid ni dating Pangulong Cory Aquino na si Don Pepe.

Bago pa man aniya ang mga hindi pagkakaunawaan sa usaping pulitika ay maayos naman aniya ang relasyon ng mga Aquino at Marcos.

Facebook Comments