Pangulong Marcos, palalawakin pa ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa ibang bahagi ng bansa

Umabot na sa P12 bilyong tulong ang naipaabot ng pamahalaan sa mga Pilipino sa pamamagitan ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.”

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa BPSF Summit sa Philippine International Convention Center kagabi, sinabi nito na nasa P5 bilyon ang naibigay sa pamamagitan ng pinansyal na ayuda, at mahigit 2 milyong Pilipino ang nabenepisyuhan.

Layunin aniya ng gobyerno na pabilisin ang pagbibigay serbisyo publiko.


Ayon sa pangulo, nasa 21 probinsya ang naabot ng BPSF sa loob lamang ng isang taon, kung saan nakapag-bigay na ng bakuna, permit, birth certificate, nakatulong sa SSS, loan, PhilHealth application, rehistro ng lisensya, pasaporte, at marami pang ibang serbisyo.

Sabi ni Pangulong Marcos, nais niyang palawakin pa ang programang ito sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Facebook Comments