Pangulong Marcos, pangungunahan ang pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani

 

Maagang magtutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City para pangunahan ang pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong araw.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago”

Ginugunita ang Araw ng mga Bayani tuwing huling Lunes ng Agosto para alalahanin ang sakripisyo ng mga nagtaguyod ng kalayaan at demokrasya ng Pilipinas.


Ang pangulo ang karaniwang nangunguna sa mga seremonya, tulad ng pag-aalay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani kung saan nakahimlay ang maraming bayani at sundalo ng bansa.

Bukod kay Pangulong Marcos, dadalo rin sina Defense Chief Gilberto Teodoro at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr.

Sa mga nakaraang mensahe, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na panatilihin ang pagkakaisa at sama- samang magsikap para sa kapakanan ng bansa.

Facebook Comments