Naniniwala rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat imbestigahan si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa ambush interview sa Cagayan de Oro City, kinuwestyon din ng pangulo ang pagkakakilanlan ni Guo at kung paano ito nahalal.
Ayon kay Pangulong Marcos, nagtataka sila kung saan ito nanggaling dahil kilala niya ang lahat ng mga politiko sa Tarlac pero kahit ang mga ito ay hindi kilala ang alkalde.
Hindi rin isinasantabi ng pangulo ang posibilidad na may banta sa seguridad ang ganitong pangyayari.
Dahil dito, tiniyak ng pangulo na magbabantay nang mabuti ang pamahalaan para hindi na maulit na may nakapapasok sa bansa na mga kaduda-dudang tao.
Facebook Comments