Pangulong Marcos, tiniyak ang sapat na suplay ng bigas sa bansa hanggang matapos ang El Niño phenomenon

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na may sapat na stock ng bigas sa bansa na kayang tumagal sa panahon ng pag-iral ng El Niño phenomenon.

Inihayag ito ng pangulo kasunod ng pulong sa Private Sector Advisory Council and the Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, stable ang rice situation sa bansa at may sapat na suplay hanggang sa matapos ang El Niño sa susunod na taon.


Sa naturang pulong, iprinisinta ng Department of Agriculture (DA) at ng PRISM ang rice supply outlook ng bansa hanggang sa katapusan ng taong 2023.

Ipinatawag ng pangulo ang pulong para talakayin ang status ng rice industry at mga ipinatutupad na hakbang para masiguro ang sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Sa pagtaya ni DA Undersecretary Merceditas Sombillo, ang projected ending stock ng bigas para sa taong 2023 ay 1.96 million metric tons (MMT), na kayang tumagal ng 52-araw.

Ang harvest season ng palay ay nakatakdang magsimula sa Setyembre at Nobyembre.

Facebook Comments