Nakipagkita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Filipino community sa kanyang unang araw na state visit sa Kuala Lumpur.
Ayon sa pangulo, layon ng state isit na pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.
Sinabi ng pangulo na titiyakin ng pamahalaan na maayos ang kondisyon ng mga Pilipino na nasa Malaysia.
Sa datos ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, mayroong halos isang milyong Pinoy sa Malaysia na karamihan ay overseas Filipino workers.
Ipinaabot ng pangulo ang kanyang pasasalamat sa mga OFWs sa hindi matatawarang kontribusyon sa bansa.
Siniguro naman ni PBBM ang buong suporta ng pamahalaan sa OFWs at sa kanilang pamilya, at inihayag ang pangarap nitong mas madaming oportunidad sa Pilipinas upang hindi na mapilitang mangibang bansa ang mga Pilipino.
Kasama sa itinerary ng pangulo sa Malaysia ang audience sa Malaysian king at pakikipagpulong sa mga government officials at business leaders.